Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na naibabahagi ng ULAP.org ang layunin nitong magkaroon ng isa inclusive tech community para sa lahat. Noong ika-18 ng Nobyembre, 2021 ay naisagawa ang online MoU Signing sa pagitan ng Underrepresented youth Learning Assistance Program (ULAP.org) at Lembaga Penelitian dan Pengabdian Masyarakat University of 17 Agustus 1945 Surubaya (LPPM UNTAG Surubaya).
Ang UNTAG Surabaya ay isang pribadong Unibersidad na na matatagpuan sa East Java Indonesia. Ito’y itinatag noong 1985 at mayroong 14,000 na estudyante sa kasalukuyan kabilang na ang Undergraduate, Master’s degree at Doctor’s degree.
Ang partnership ay may mithiing magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng dalawang organisasyon na makatulong sa mga taong hindi nabibigyan ng oportunidad at kaalaman patungkol sa teknolohiya.
Ito’y dinaluhan sa panig ng ULAP. Org nina Marilag Dimatucal (Founder), Michelle Anne Tabirao (Co- Founder) at Hazel Cherry Tabirao (Community Manager), habang ang mga kinatawan naman ng UNTAG Surabaya ay sina Prof. Dr. Mulyanto Nugroho, M.M., CMA., CPA., (Chancellor), Dr. Abdul Halik, M.M., (Deputy Chancellor II), Dr. Tri Pramesti, MS, (Head of Cooperation Agency), Elisa Sulistyorini, ST, MT, (Head of International Mobilization), Aris Heri Andriawan, ST, MT, (Head of LPPM UNTAG Surabaya), Dheny Jatmiko, S. Hum., MA, (Head of Community Service Center) at Dean ng UNTAG Surabaya.
